Friday, August 3, 2018

Wika ng Saliksik

          Ingles ang lengwahe o wikang pang internasyunal, Filipino ang wika ng Pilipino. Ano ang iyong pipiliin?

Image result for buwan ng wika 2018
          Mga mag-aaral sa mababang paaralan (elementarya), mataas na paaralan (sekondarya), at kolehiyo; mga guro at iba pang propesyonal; mga hindi nakapagtapos at hindi nakapag-aral; lahat sila'y gamit ang wikang ingles sapagkat ito'y pang-internasyunal. Ngunit bakit imbes na sarili nating wika ang gamitin, ay wika ng mga banyaga ang ginagamit? Oo nga't importante na aralin natin ang wika nila upang makausap natin ang mga dayuhang galing sa ibang bansa ngunit hindi ba't sobra na? Mayroon naman tayong pagpipilian. Nasa atin na iyon kung ano ang gagamitin natin pero mas madalas pa rin nating piliin ang banyagang salita. Bakit sa isang talumpati ay kailangang ingles ang gamitin at hindi ang wikang Filipino? Alam naman nating mas maiintindihan natin ang isang mensahe lalo na sa isang talumpati kung nasa wikang Filipino ngunit bakit sa isang talumpati ay kailangang ingles ang gamitin at hindi ang wikang Filipino? Bakit sa sipnayan ay kailangang maging ingles pa kung pwede namang sabihing "parisukat-ugat ng walumpu't-isa" imbes na "square root of eighty-one"? Marahil ay hindi sanay ang ating sistema sa pagbigkas ng ating wika pagdating sa sipnayan dahil sa nasanay tayo sa paggamit ng wikang Ingles ngunit kung noong una pa lang ay wika na natin ang gamit, marahil ay kabisado na natin ang mga salitang gamit sa sipnayan.

          Ngayong buwan ng Agosto ay buwan ng ating wika, ang wikang Filipino. Ipinapaalala nito sa lahat na kahit nariyan na ang mga wikang banyaga, hindi pa rin natin dapat kaligtaan ang sariling atin bagkus ay mas pag-igtingin at padalasin pa ang paggamit nito.

          Napakarami nating aktibidades tuwing Buwan ng Wika. Nandyan ang poster-islogan, pagsulat ng sanaysay, tagisan ng talino, Balagtasan at marami pang iba. Sa pamamagitan ng mga ito, mas lalo nating mauunawaan ang kahalagahan nito hindi lang para sa atin kundi pati na rin sa buong mundo. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan natin sa iba.

          Ang paggamit ng ating sariling wika ay dapat na mas gamitin sa pang araw-araw nating pamumuhay. Tanda ito ng pagka-Pilipino natin. Taas-noo nating ipagmalaki sa lahat na tayo ay Pilipino at simulan natin ito sa ating mga sarili!


References:
http:/mariaguadaricahguerrero.blogspot.com/2010/08/buwan-ng-wika.html

http:/www.helloiamprince.com/2017/07/buwan-ng-wika-2017-theme.html

4 comments:

  1. Replies
    1. hi classmate BWAHAHAHA. naisipan kong bumalik dito😆

      Delete
  2. dapat na pahalagahan ang ating wika dahil ito ang kinagisnan at nakasanayan natin:) ang ganda ng iyong artikulo shenel:)

    ReplyDelete

10th Grade Experiences in Lab

          Be brave. Take risks. This is how it goes. I have no idea how hard it is. I have no idea how critical it is. But we tried. At lea...