Maraming bata ang napapabayaan. Maraming bata ang hindi naaalagaan. Maraming bata ang nawawalan ng kahalagahan. Kailangan pa ba nilang makaranas ng mga sakit? Kailangan pa ba nilang maghirap muna bago natin ibigay sa kanila ang karampatang aruga?
Batang namamalimos; batang natutulog sa lansangan na walang kasiguraduhan sa sariling seguridad; batang sumisinghot ng rugby; batang naglilinis ng sapatos ng iba at sasakyan ng iba; batang namumulot ng pagkain sa basura; batang nagnanakaw para lamang matugunan ang pangangailangan. Iyan ay ilan sa mga bagay na nakikita natin. Iyan ay ilan sa mga bagay na nagpapakita sa kakulangan ng pag-aaruga sa mga kabataan. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang susunod na Bill Gates at Albert Einstein. Kaya't marapat lang na ibigay ang kanilang pangangailangan. Nararapat lang na bigyan sila ng wastong aruga. Mayroon silang karapatang dapat na ibigay ng lahat. Karapatan ng isang batang maglibang at mag-aral, hindi magtrabaho sa murang edad.
Dapat lang na maalagaan nang mabuti ang mga bata dahil sila ang pag-asa ng ating bayan.
Image Reference:
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwjUvrOz7YTfAhUHF4gKHUg8C64QjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Fpsychlopaedia.org%2Flearning-and-development%2Fteaching-children-how-to-cope-with-lifes-challenges%2F&psig=AOvVaw3os10a2B3eLX2F5muahmOf&ust=1543967521994433
No comments:
Post a Comment